Originale | Traduzione inglese da lyricstranslate.com |
KATARUNGAN | JUSTICE |
| |
Sa isang kulungang bakal ay | In an iron prison |
May taong malungkot, umiiyak | Someone is sad and crying |
Ang tanong n'ya sa sarili ay | He asks himself |
Kailan magigisnan ang liwanag | When will I see the light |
Malayo ang iniisip at | Thinking deeply and |
Nakakuyom yaring mga palad | His hands are clenched |
Bakit daw s'ya nagdurusa | Why is he suffering |
Sa kasalanang 'di n'ya ginawa | For the offense he didn't commit |
| |
Kahapon lamang ay kapiling | Just yesterday he was |
N'ya kanyang asawa at anak | With his wife and child |
Namumuhay nang tahimik sa | Living in peace |
Isang munting tahanang may tuwa | In small home of joy |
Ang kaligayahan ay pinutol | Happiness was cut |
Ng isang paratang sa kanya | By an accusation |
S'ya daw ang may sala sa isang | That it was his fault for |
Krimen na 'di naman n'ya ginawa | A crime he didn't commit |
| |
Wala na bang katarungan ang | Is there no justice |
Isang nilalang na katulad n'ya | For someone like him |
Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa | How many more will suffer |
Nang walang kasalanan | That isn't guilty |
'Di ba't ang batas natin pantay- | Isn't the law equal |
Pantay, walang mahirap, mayaman | No rich nor poor |
Bakit marami ang nagduru- | Why is that many are suffering |
Sang mga walang kasalanan | The innocent ones |
| |
Mga ilang araw na lang | In a few days |
Haharapin na n'ya ang bitayan | He will face the gallows |
Paano n'ya isisigaw | How will he shout |
Na s'ya'y sadyang walang kasalanan | That he is innocent |
Tanging ang Diyos lamang ang s'yang | Only God is his |
Saksi at s'yang nakakaalam | Witness and knows |
Diyos na rin ang s'yang bahalang | God will |
Maningil kung sino'ng may kasalanan | Collect from the guilty ones |
| |
Dumating na ang araw, hahara- | The day has come |
Pin na n'ya kanyang kamatayan | He will face his death |
Sa isang upuang bakal na | In a steel chair that |
Kay dami nang buhay na inutang | Has claimed many lives |
O, ang batas ng tao kung | O, the law of man |
Minsan ay 'di mo maintindihan | Sometimes can't be understood |
Ilan pang tulad n'ya ang | How many more will suffer |
Magdurusa nang walang kasalanan | That isn't guilty |