Lingua   

Isang daang taon

Nathaniel Savella Ramirez
Lingua: Tagalog


Nathaniel Savella Ramirez


Akala natin noon
Sila ay kaibigan
Si Agui’y lininlang
Pumutok ang digmaan

Labing tatlong taon
Daang libong tao
Babae’t bata
Pinatay na walang awa

Kaya kabayan ko
Anong digmaan ang tukoy ko
Kung di ninyo alam
Isipan ay buksan
Dahil katotohanan
Dapat mong malaman
Upang makamtan
Tunay na kalayaan

Isang daang taon
Mula nang tayo’y maloko
Marahil di mo alam
Itinago sa iyo

Isang daang taon
Mahirap pa rin tayo
Kailangan baguhin
Ang sitwasyong ito

Kaya kabayan ko
Anong digmaan ang tukoy ko
Kung di ninyo alam
Isipan ay buksan
Dahil katotohanan
Dapat mong malaman
Upang makamtan
Tunay na kalayaan



Pagina principale CCG

Segnalate eventuali errori nei testi o nei commenti a antiwarsongs@gmail.com




hosted by inventati.org