Language   

L'Internationale

Eugène Pottier
Back to the song page with all the versions


TAGALOG (FILIPPINO) [2] / TAGALOG (PILIPINO) [2]
INTERNASYONAL

Bangon, sa pagkakabusabos
Bangon, alipin ng gutom!
Katarungáy bulkang sasabog
Sa huling paghuhukom.
Gapos ng kahapóy lagutin.
Tayong api ay magbalikwas!
Tayo ngayóy inaalipin,
Subalit atin ang bukas.

Itóy huling paglalaban
Magkaisát nang masaklaw!
Ang Internasyonal
Ang buong daigdigan.
Itóy huling paglalaban
Magkaisát nang masaklaw!
Ang Internasyonal
Ang buong daigdigan.

Walang ibang maasahang
Bathala o manunubos,
Kaya ang ating kaligtasáy
Nasa ating pagkilos.
Manggagawa, bawiin ang yaman
Kaisipáy palayain.
Ang maso ay ating hawakan,
Kinabukasáy pandayin.

Itóy huling paglalaban
Magkaisát nang masaklaw!
Ang Internasyonal
Ang buong daigdigan.
Itóy huling paglalaban
Magkaisát nang masaklaw!
Ang Internasyonal
Ang buong daigdigan.
INTERNASYUNAL

Bangon sa pagkakabusabos
Bangon, mga bihag ng gutom
Katwiran ay bulkang sasabog
Buong lakas na dadagundong
Gapos ng kahapóy lagutin
Tayong api ay magbalikwas
Tayo ngayóy inaalipin
Subalit atin ang bukas

Itóy huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng Internasyunal
Ang sangkatauhan
Itóy huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng Internasyunal
Ang sangkatauhan !

Wala tayong maaasahang
Bathala o manunubos
Kayát ang ating kaligtasáy
Nasa ating pagkilos.
Manggagawa bawiin ang yaman
Kaisipáy palayain
Ang maso ay ating hawakan
Kinabukasáy pandayin.

Itóy huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng Internasyunal
Ang sangkatauhan
Itóy huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng Internasyunal
Ang sangkatauhan!

Manggagawa at magsasaka
Ating Partidóy dakila
Palayasin ang mga gamahan
Sa anakpawis ang daigdigan.
Wakasan ang pagsasamantala
Ng mga buwitre at uwak
Sa umagáy silang maglaho
Mapulang araw ay sisikat.

Itóy huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng Internasyunal
Ang sangkatauhan
Itóy huling paglalaban
Magkaisa nang masaklaw
Ng Internasyunal
Ang sangkatauhan!


Back to the song page with all the versions

Main Page

Note for non-Italian users: Sorry, though the interface of this website is translated into English, most commentaries and biographies are in Italian and/or in other languages like French, German, Spanish, Russian etc.




hosted by inventati.org